TORONTO (AP) — Tunay na hindi nagkamali ng desisyon si Kawhi Leonard sa hininging trade sa San Antonio Spurs.

Sa pangunguna ng All-Star forward na kumana ng 27 puntos at 17 rebounds, nakausad sa NBA Finals ang Toronto Raptors sa unang pagkakataon matapos selyuhan ang Eastern Conference finals laban sa Milwaukee Bucks, 100-94, sa Game 6 nitong Sabado (Linggo sa Manila).

TORONTO, ONTARIO - MAY 25: Kawhi Leonard #2 of the Toronto Raptors celebrates with the Eastern Conference Finals trophy after defeating the Milwaukee Bucks 100-94 in game six of the NBA Eastern Conference Finals to advance to the 2019 NBA Finals at Scotiabank Arena on May 25, 2019 in Toronto, Canada. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and or using this photograph, User is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement.   Claus Andersen/Getty Images/AFP
Kawhi Leonard (AFP photo)

Naisalba ng Raptors ang 15 puntos na paghahabol para maisara ang serye sa 4-2 at makamit ang karapatan na hamunin ang two-time defending champion Golden State Warriors sa NBA title. Nakatakda ang Game I ng NBA Finals sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Oracle Arena sa Oakland.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nag-ambag si Pascal Siakam ng 18 puntos, habang kumana sina Kyle Lowry ng 17 at Fred VanVleet na may 14 para sa Raptors, sumirit sa 26-3 run sa third quarter para masalanta ang Bucks at maitala ang ‘sweep’ matapos matalos sa unang dalawang laro sa serye.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo, liyamado para sa MVP Award ngayong season, sa naiskor na 21 puntos at 11 rebounds para sa NBA top team ng regular season. Bigo siya na tuldukan ang 45 taong paghihintay ng Milwaukee na makarating sa Finals.

Mula sa 76-71 sa pagsisimula ng fourth period, kumana ang Raptors ng 8-2 run, habang kapwa nasa bench sina Leonard at Antetokounmpo, tampok ang dunk ni Serge Ibaka para maitabla ang iskor sa 78-all may 10:32 sa laro.

Nagbalik aksiyon si Antetokounmpo, ngunit bigo siyang pigilan ang ratsada ng Raptors para tuluyang agawin ang bentahe sa 80-78 mula sa jumper ni Siaklam. Mula rito nagawang makontrol ng Toronto ang tempo ng laro at umabante sa limang puntos tungo sa huling tatlong minuto.