BANDERANG kapos ang Team Philippines Women’s Gilas, sa kabila ng mainit na shooting ni Janine Pontejos, tungo sa 21-16 kabiguan kontra Australia kahapon sa 2019 FIBA 3x3 Asia Cup sa Changsha, China.

Nanguna sa Aussie Team si Alice Kunek na may 13 puntos.

Nagawang makabante ng Pinay sa 4-1, ngunit sumiklab ang opensa ni Kunek para sandigan ang Australia sa semifinals.

Janine Pontejos ng PH at Madelaine Garrick ng Australia. (FIBA.com photo)
Janine Pontejos ng PH at Madelaine Garrick ng Australia. (FIBA.com photo)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Huling nakadikit ang Team Philippines sa 16-15 mula sa opensa ni Clare Castro may 1:31 ang nalalabi sa laro.

Nag-ambag si Rebecca Cole ng apat na puntos para sa bronze medalist sa nakalipas na taon, habang tumipa sina Madeleine Garrick at Hanna Zavecz ng tig dalawang puntos.

Nanguna si Pontejos sa PH team na ginagabayan ni Patrick Aquino sa natipang walong puntos. Nag-ambag sina Afril Bernardino ng limang puntos at Jack Animam na may dalawang puntos.

Iskor:

Australia(21) - Kunek 13, Cole 4, Garrick 2, Zavecz 2.

Philippines (16) - Pontejos 8, Bernardino 5, Animam 2, Castro 1.