ni Edwin Rollon

HINDI lamang sa mga players na naghahangad na magkaroon ng career ang binibigyan ng pagkakataon ng Community Basketball Association (CBA) bagkus maging sa aspeto ng courtside reporting.

“We’re planning to hold seminars and clinics not only in basketball but also in courtside reporting. This could be an opportunity for them to excel na magagamit nila in the future career” pahayag ni CBA founder actor/director Carlo Maceda.

Gwen Maceda (photo ni Derlyn Maceda)
Gwen Maceda (photo ni Derlyn Maceda)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Aniya ang on-the-job training in sports broadcasting sa live coverage ng CBA ay magbibigay ng pagkakataon sa mga ‘aspring talents’ na ituloy ang kanilang career sa community-based competition o sa mas malaking liga.

Sa kasalukuyan, tawag-pansin ang 12-anyos na si Gwen Maceda, panganay na anak ni Carlo at maybahay na si Derlyn, sa kanyang istilo sa pagdadala ng aksiyon sa CBA.

“I love the challenge. It’s a great opportunity for me to serve as courtside reporter for CBA games,” pahayag ni Maceda sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippines (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“I enjoy watching basketball and I enjoy doing this job of being courtside reporter. Masaya dito,” aniya.

Ayon sa Grade 8 student ng Grace Christian High School, ang gawain bilang courtside reporter sa CBA ay unang hakbang para sa pangarap na maging matagumpay na broadcaster.

“My Dad Carlo (Maceda) believes in helping people realize their dreams by giving them opportunities. I am thankful for my Dad for giving me this break,” aniya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Ikinatuwa ng batang Maceda ang pagkakataon na ilalarga rin ng CBA ang 18-under tournament kung saan aniya, kapwa niya kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon na mahasa ang talento at galing.

Nakatakdang simulan ang CBA Pilipinas 18-under Development League sa San Andres Sports Complex sa Manila at Bicol sa Hunyo 15.

“We’re calling all young talents to enhance your skills in sportscasting and broadcasting by joining our soon to be launched camp,” ayon kay Maceda.