NAGING matagumpay ang world screening ng pelikulang Ang Hupa sa Quinzaine des Réalisateurs, o Directors’ Fortnight, bilang parte ng prestihiyosong Cannes Film Festival, sa Cannes, France nitong Miyerkules.

Piolo at Shaina

Nanguna sa nasabing screening ang mga bida na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Pagkatapos mapanood ang pelikula ay nakatanggap ang cast ng standing ovation galing sa audience.

Kaagad namang umakyat sa stage sina Piolo at Shaina, kasama ang co-stars nila sa pelikula na sina Pinky Amador at Hazel Orencio, upang magbigay ng kani-kanilang pahayag tungkol sa Ang Hupa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon kay Piolo, hindi niya pinalagpas ang pagkakataong makatrabahong muli si Direk Lav Diaz, matapos ang success ng una nilang pelikula, ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan, noong 2013. Ang nasabing proyekto ay lumaban din sa Cannes Film Festival sa nasabing taon.

Sinabi naman ni Shaina na isang malaking karangalan na mapagkatiwalaan ng nasabing award-winning filmmaker na bumida sa Ang Hupa.

Hindi naman nakadalo si Direk Lav dahil sa kanyang work commitment sa Cuba.

Sa 24 na pelikulang napiling ipalabas sa Directors’ Fortnight, kabilang ang Ang Hupa sa tatlong natatanging entries mula sa Asia, kasama ang Hatsukoi (First Love) ni Takashi Miike, at Huo Zhe Chang Zhe (The Live to Sing), ni Johnny Ma.

Magtatapos ang Directors’ Fortnight at Cannes Film Festival ngayong Sabado.

-ADOR V. SALUTA