TUMATAGINTING na P3 milyon ang premyong nakataya sa pagratsa sa ruweda ng walong pamosong kabayo na magtatagisan sa unang yugto ng Triple Crown ng Philippine Racing Commission bukas sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

SANCHEZ

SANCHEZ

Tatanggap ng P1.8 milyon ang kampeon sa naturang karera, samantalang P675,000 naman ang premyo ng ikalawang puwesto. Ang ikatlo at ikaapat na puwesto ay may premyong P375,000, at P150,000, ayon sa pagkakasunod, samantalang P100,000 ay nakalaan sa breeder ng nanalong kabayo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“We are very excited with the coming 1st leg of the Triple Crown because of the caliber of the local horses participating in this year’s event with the eventual winner setting the pace for 2019. The horse that wins will not only earn its place in history, but will set the bar for the succeeding legs in the following months. We wish all the runners the best of luck!” pahayag ni Philracom Chairman Andrew Sanchez.

Paborito sa titulo ang Real Gold na pagmamay-ari ng C&H Enterprises at ang Obra Maesta ni Leonardo Javier Jr..

Palaban din ang mga karibal na Boss Emong (jockey JT Zarate, owner Edward Vincent M. Diokno); JAYZ (Ja Guce, SC Stockfarm, Inc.); My Jopay (RD Raquel Jr., Moises B. Villasenor); My Shelltex (JB Hernandez, Antonio V. Tan, Jr.); Toy for the Bigboy (JB Cardova, Alfredo Santos) at Westeros (AR Villegas, Juan Miguel D. Yulo).

Nakatakda ding pakawalan ang unang yugto ng Philracom Hopeful Stakes Race na may distansiyang 1,600 meters kung saan 12 matikas na lokal na kabayo ang magsasagupa, tulad ng Best Regards, Dugong Bughaw, Gepnits, Gil’s Magic, Harapin ang Bukas, Kentucky Rain, Mood Swing, Phenomenal, Shanghai Noon, The Accountant, Two Timer and Turns Gold. Ang kampiyon ay magwawagi ng P1 milyon.

Bago ito, nakahanda na din ang unang leg ng Locally Bred Stakes Race kung saan maghaharap ang coupled runners na Always Ready and Sure Win, Caludia’s Pride, Coup d’ Etat, Electrify, Iikot Lang, Mona’s Mark, Oktubre Katorse, Ready Set Go, Serafina, Silab, Sultanov, Trust Worthy at Weather Lang.

Nakataya ang P500,000 premyo sa karera na may distansiyang 1,600 meters.

Ang huling kabayong nagwagi ng Triple Crown ay ang Sepfourteen ng SC Stockfarm noong 2017 at ang Kid Molave ni Emmanuel Santos noong 2014.