NAPAPANAHON ang pagsusulat ng tribute sa ABS-CBN ngayong nagdiriwang ito ng ika-65 taon. Nagsusulat ang maraming empleyado, mga dating nagtrabaho o ang sinumang nagkaroon ng kaugnayan sa Dos.

Naririto ang piyesa ko.

Love-hate relationship kami ng ABS-CBN. Prangka ang media analysis ko, at kapag hindi pabor sa kanila ang sinusulat ko, ang madalas itanong, “Galit ka ba sa amin?”

Ako ang nag-break ng balita nang talunin sila ng GMA-7 noong 2004, ang una simula nang maging number one sila sa ratings noong 1987. Ang mabilis na reaction ng kanilang corporate communications, i-ban ako. Ganito rin ang ginagawa nila sa iba pang reporters na hindi nagugustuhan ng CorpComm ang sinusulat.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Media company sila pero hindi nila masyadong naiintindihan ang role ng reporters.

Inaakala siguro nila na leksiyon ang pagba-ban sa reporters, pero pang-newcomers lang ang ganito.

Ilang beses nagpalit ng corporate communications head nang panahong iyon dahil maraming reporters ang naapektuhan sa maling pakikitungo sa kanila ng department. Umupo si Maloli Espinosa na kabaligtaran ang naging approach, sa katunayan ay ilang beses inimbitahan sa seminars ng mga empleyado ang ilang editors at reporters para magsalita kung ano ang naging problema ng Dos kaya sila natalo ng Siyete.

Naging maayos uli ang trato sa reporters, maging nang mag-retire si Maloli at palitan ni Bong Osorio. Sa ilalim ni Bong, inalok pa ako para tumulong sa ilang show ng Dos kaya natawag din nila akong Kapamilya.

Last year, sinulat kong GMA-7 ang tunay na No. 1 kung pagbabatayan ang kinikita. Yes, may empirical data na mas malaki ang kinikita ng Siyete kumpara sa Dos, hayun, balik sa dating gawi ang corporate communications, banned uli ako.

Malaki ang role ng ABS-CBN sa Pilipinas. Isang halimbawa, nakakabilib ‘pag kinakanta sa mga simbahan ang Christmas anthem nila -- isa sa katunayan na cultural force sila. Ang problema, kapag nagiging makitid ang decision-making nila sa maliliit na bagay tulad ng critical reports ng entertainment writers.

Ipinaliwanag ko noon pa sa nabanggit na seminars na hindi pang-ookray ang kritisismo o pagsusulat ng katotohanan kundi encouragement na pagbutihin ang kanilang trabaho.

Sadly, hindi na uli nila naiintindihan ang obligasyong ito ng reporters.

-DINDO M. BALARES