Tiniyak ng Korte Suprema na maaari pa ring magdagdag ang mga colleges at universities ng Filipino, Panitikan at Constitution subjects sa kani-kanilang curricula.
Siniguro ito ng Korte Suprema sa kanilang resolusyon na sumusuporta sa kanilang desisyon nitong Oktubre 9, 2018, na idineklarang constitutional Republic Act 10533 (K to 12 Law), RA 10157 (Kindergarten Education Act), at iba pang government issuances hinggil sa pagpapatupad ng K to 12 Basic Education Program, kabilang ang CHEd Memorandum Order (CMO) No. 20, na nag-uutos na alisin ang Filipino, Panitikan at Constitution sa curriculum sa college courses.
Sa "failing to offer any substantial argument," ibinasura ng resolusyon ang motion for reconsideration ng Tanggol Wika—samahan ng mga guro, estudyante, manunulat at cultural activists— na humihiling na baliktarin ang desisyon ng korte noong Oktubre 9, 2018.
“While the Constitution mandates the inclusion of the study of the Constitution, Filipino and Panitikan in the curriculum of educational institutions, the mandate was general and did not specify the educational level in which it must be taught,” saad sa resolusyon ng high tribunal, na nilagdaan ni SC Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, na may petsang Marso 5, ngunit inilabas lamang sa media ngayong linggo.
"Thus, CMO 20 did not violate the Constitution when it merely transferred these subjects as part of the curriculum of primary and secondary education," paliwanag ng Korte Suprema.
Ipinagdiinan ng high tribunal na “CMO 20 only provides for the minimum standards for the general education component of all degree programs.”
“It does not limit the academic freedom of universities and colleges to require additional courses in Filipino, Panitikan and the Constitution in their respective curricula,” diin ng Korte Suprema.
Jeffrey G. Damicog