PINASINAYAAN ang bagong monumento ng bayaning Bulakenyo at propagandistang si Mariano Ponce sa Baliwag, Bulacan nitong Huwebes, bilang pagkilala sa kanyang naging papel para sa misyong makalaya ang Pilipinas mula sa kamay ng mga Espanyol.

Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ng municipal government ng Baliwag ang pagpapasinaya sa monumento ng isa sa mga kilalang anak ng probinsiya sa tapat ng Museo ni Mariano Ponce, Calle Ponce sa bayang ito.

Kasabay ng event ang paggunita sa ika-101 anibersaryo ng pagkamatay ni Ponce.

Pinangunahan ni Dr. Rene Escalante, NHCP commissioner at chairman of the Board, ang seremonya, kasabay ni Dr. Maria Luisa Camagay, pangulo ng Philippine Historical Association at professor emeritus ng UP History Department, na nagsilbing panauhing pandangal.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang mga kamag-anak ni Ponce, ang iba pang government at local officials, at mga residente ay dumalo upang saksihan ang aktibidad.

Pinasinayaan din ang museo na kinatatampukan ng buhay at gawa ni Ponce, at pormal na binuksan sa publiko.

Ang iba pang event ay ang paglulunsad ng commemorative biographical book na, “Mariano Ponce y Collantes, Dangal ng Lahing Pilipino”. Ito ay inedit ni Dr. Jaime B. Veneracion, na may mga artikulong isinulat ni National Artist for Literature, Resil B. Mojares, at iba pa.s

Sa isang panayam, sinabi ni Camagay na tama lang at napapanahon na kilalanin ang kadakilaan ni Ponce, hindi lamang sa Bulacan kundi sa buong mundo.

“Some people are not aware of the writings of Mariano Ponce. That is why, this is the time to let the Filipinos know who was Mariano Ponce through his museum,” aniya.

Tampok sa museo ang kakaibang mga larawan, original artifacts, at artworks. Mayroon din itong resource center na may digital files, kabilang ang ibang larawan at artikulo ni at tungkol kay Ponce.

Samantala, sa kanyang talumpati, isinadula ni Escalante ang buhay ni Ponce noong panahon ng Espanyol bilang isa sa mga propagandista, kasama sina Dr. Jose Rizal at Marcelo del Pilar.

“This Mariano Ponce Museum was offered to the people of Baliwag, as well as to the relatives of Ponce,” sabi niya.

Isinilang si Ponce sa Baliuag, Bulacan noong Marso 23, 1863.

Sumali siya sa Propaganda Movement sa Spain, kasama sina Rizal, Del Pilar at iba pang propagandista.

PNA