Mahigit isang linggo makaraang manalo para sa isa pang termino, pumanaw ang re-elected na si Iloilo City Councilor Armand Parcon nitong Huwebes ng gabi.

Councilor Armand Parcon

Councilor Armand Parcon

Pumanaw ang 59-anyos na si Armand Parcon kagabi dahil sa mga kumplikasyon ng pneumonia.

Bagamat na-diagnose na may lung cancer at malaki ang nabawas na timbang, naging aktibo sa pangangampanya si Parcon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isinugod siya sa ospital noong gabi ng eleksiyon, Mayo 13, makaraang makumpirmang muli siyang nahalal.

Pumangalawa si Parcon sa dami ng nakuhang boto, na may kabuuang 105,912.

Kilala si Parcon sa kanyang masikap na pagtatrabaho at paninindigan sa maraming socio-economic issues. Kabilang sa mga pamana niya ay ang kanyang mga programa para sa mga senior citizens at may kapansanan.

Mahal at respetado ng mga taga-Iloilo City, kilala rin si Parcon sa kababang-loob, partikular sa pagko-commute niya sa jeepney.

Nagmula sa mahirap na pamilya, bata pa lang ay nagsikap na si Parcon sa buhay upang mapaaral ang kanyang sarili. Nang makatapos sa kolehiyo, nagtrabaho si Parcon sa Bombo Radyo sa siyudad bilang reporter, hanggang maging anchorman.

Isa siya sa mga dating radio reporters na sumabak sa pulitika.

Tara Yap