BATA at palaban ang mga siklistang isasabak ng koponan ng Go for Gold sa paglahok sa 2.2 UCI event Pru Ride Philippines na lalarga ngayong weekend sa Subic at Bataan.

Ibabandera ng koponan ni Jeremy Go ang mga bata at maliliksing siklista na gaya nina Ismael Grospe, Jericho Lucero at Daniel Ven Carino na sasabai 23-under ng nasabing event, kasama si Elmer Navarro, Junel Carcueva at si Ronnel Hualda.

Nais ng tropa ng Go for Gold na mabigyan ng pagkakataon ang mga batang manlalaro at ulitin ang kanilang naging performance noong Pebrero sa Ronda Pilipinas kung saan tumanggap ng parangal si Grospe sa Under-23 category.

Ngunit, kailangan pa rin ng matiding preparasyon ng koponan gayung galing sila sa masalimuot na pagsabak sa katatapos na Asian Championships na ginanap sa Uzbekistan at sa International Vietnam race.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Gayunman, ito rin ang isang mahalagang stint para sa koponan ng Go for Gold, lalo na sa mga tleta na nagnanais na makalahok sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Samantala, ang nasabing event ay may pahintulot ng Union Cycliste Internationale (UCI), ang kilalang world’s governing body para cycling, bilang UCI 2.2 event na siyang magpapahintulot sa mga professional Filipino cyclists at mga foreign riders na makakuha ng UCI points na kailangan para sa 2020 Olympics sa Tokyo.

Ang nasabing karera ay magsisimula sa Harbor Point, Subic kung saan 18 continental at 8 local professional cycling teams ang inaasahang sasabak sa kabuuang 156 riders para lumaban sa individual, team, at stage honors.

Ang tatlong stage na karera ay tatakbo sa paligid ng Bataan paakyat sa makasaysayang bundok ng Mt. Samat.

Kabilang sa makikilahok sa PRURide PH ay sina Kim Atienza, Zoren Legaspi, at Gretchen Ho na lalahok sa Gran Fondo category na magaganap sa ikatlong araw ng kompetisyon.

-Annie Abad