Mahigit P3 milyong halaga ng isda, na ilegal na hinuli, at hinihinalang endangered marine species ang nasamsam sa isang merchant vessel sa Palawan.

FISH_ONLINE

Sa naantalang ulat mula sa Philippine Coast Guard, nasa 200 fish tubs ng mga dinamitang isda at hinihinalang endangered marine species ang narekober sa merchant vessel na "Alejandra" nitong Mayo 20.

Sinalakay ng Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang barko nang makatanggap ng report na ito ay naglalaman ng mga kontrabando.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilisan nito ang Linapacan, Palawan nitong Mayo 19, at dumaan sa Delpan Wharf sa Maynila.

Nakumpirma ng nabanggit na mga ahensiya, nang inspeksiyunin ang barko, na sa 162 tubs na sinuri, 79 fish tubs ang naglalaman ng mga isdang hinuli gamit ang dinamita, na nagkakahalaga ng P3,240,000.

Isa pang fish tub ang naglalaman ng endangered species, gaya ng mga stingray at pating.

Ayon sa Coast Guard, ang mga fish tubs na negatibo ang mga isda sa dinamita ay dinala sa mga consignees.

Habang ang mga sirang isda ay dinala sa iba’t ibang charitable institutions at ang mga endangered species ay iimbestigahan.

-Betheena Kae Unite at Beth Camia