Nakaabot ng panibagong tagumpay ngayong unang bahagi ng 2019 ang ONE Championship at hindi pa sila titigil dito.
Kung paano nagsimula ang 2019 nila, inaasahang lumagpas ng USD$100 million ang revenue ng ONE Championship sa hinaharap dahil ito sa kung paano sumikat ang The Home Of Martial Arts.
Ito ay pinakanakita sa record-breaking 41.9 million viewership ng ONE: A NEW ERA, ang inaugural show nila sa Japan noong Marso 31.
Nagsimula na rin ang promotion deal nila kasama ang Turner Sports na may live broadcast ng ONE Championship sa TNT at B/R Live sa North America.
Ito ang nagbigay sa kumpanya ng maraming exposure kaya mataas ang hinihintay nilang expectations.
“I would like to get ONE events to surpass 50 million [viewers] this year,” sabi ni ONE Championship Chairman and CEO Chatri Sityodtong sa isang interview sa ONEFC.com.
“I do believe for our Tokyo event in October, which is the 100th show in the company’s history, we aim to have a mega show, and I do believe we can beat 50 million,” dagdag niya.
Dahil sa malaking market opportunity sa Asia, ang potential na kikitain ng ONE Championship at nananatiling pataas at kapag nagpatuloy ito ay maaaring malagpasan pa nila ang NFL dahil sa 4 billion na population base sa Asia.
Higit pa dito ay mas nagpapalawak pa sila sa iba pang business tulad ng ONE Studios and ONE Esports na dahilan nila sa pagiging pinakamalaking sports media property sa Asia.
Para kay Sityodtong, walang pangarap na masyadong mataas at ang mga fans nila ay patuloy lamang na umasa sa ONE Championship na patuloy na gumagawa ng recorda at umaangat ang revenues.
“Even before that, there may be a chance [to beat that] because our [viewership] numbers are growing every week and every month, and obviously, our footprint is growing every week and every month as well,” sabi ni Sityodtong.