SA kanyang pagbisita sa Tonight With Boy Abunda, isinama ni Manila Mayor-elect Isko Moreno ang kanyang anak na si Joaquin Domagoso, na ayon sa kanya ay gustong sumunod sa yapak niya bilang artista.

Isko at Joaquin

Inamin naman ni Isko na ayaw niya sanang mag-artista agad ang mga anak niya hanggang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga ito.

Sinabi raw ni Isko sa kanyang mga anak: “Ayaw ko kayong matulad sa akin na hindi kayo nakapag-aral sa takdang panahon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ang pag-aaral ko hinabol ko na lang later on, eh,” sabi ni Isko kay Boy Abunda.

“Meron na silang opportunity, mag-eeskwela na lang, wala nang ibang gagawin, eh.” Gayunman, mapilit umano ang anak ni Isko na si Joaquin na pasukin na ang industriya at isabay ito sa pag-aaral.

“Sabi ko it can wait pero, gigil na gigil. Ginamit pa si Waway, anong gagawin ko?” kuwento ni Isko.

Ang usapan daw nila ni Joaquin ay papayag siya basta makita niyang maayos ang grade ng anak, at tiyaking bibigyan siya nito ng diploma.

“Hiningi ko sa kanila lahat, diploma lang,” ani Isko.

Nang tanungin naman si Joaquin kung ano ang best and worst part ng kanyang ama, sinabi niya: “The best part is, my Dad is a good person. He is always trying to help people kahit kelan, especially his time. He is giving away a lot of his time.”

Ang worst part naman daw ni Isko ay ang hindi nila ito madalas makasama o maka-bonding bilang pamilya.

Sa unang kuwento ni Joaquin, malungkot siya noon dahil hindi nila nakakasama ang tatay sa mga lakaran, pero ngayon daw ay naiintindihan na niya kung bakit?

“I’m okay. Like I don’t get to see you a lot because you’re helping a lot of people out there,” sabi ni Joaquin kay Isko.

-Ador V. Saluta