MULING kakasa si dating world rated Filipino featherweight Recky Dulay sa United States laban sa walang talong Mexican na si Jose Enrique Durantes Vivas sa Hunyo 23 sa Club Events Center, San Bernardino, California.

Huling lumaban ang tubong Catarman, Northen Samar na si Dulay nang mapatigil siya ni undefeated American Italian Giovanni Mioletti noong nakaraang Marso 23 sa Tacoma, Washington at muli siyang kakasa sa walang talong si Vivas na malaking pagsubok sa kanyang kakayahan bilang tanyag na slugger sa California.

Sumikat si Dulay sa bansag na “The Terror” sa Amerika nang mapatulog niya sa 3rd round noong Hulyo 15, 2017 sa Forum, Inglewood, California si Golden Boy Promotions boxer Jaime Arboleda ng Panama na kilalang knockout artist kaya pumasok siya sa WBA featherweight rankings.

Masusubok ang kakayahan ni Vivas kay Dulay sa kanyang unang laban sa US matapos magtala ng perpektong rekord na 16 panalo, 9 sa pamamagitan ng knockouts.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May kartada si Dulay na 11 panalo, 5 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts at umaasang magwawagi laban kay Vivas para muling makapasok sa world rankings.

-Gilbert Espeña