GENERAL TRIAS, Cavite--- Sentro ng atensyon ang mga estudyante ng Bethel Academy School of General Trias City, Cavite para sa pagsabak sa Open Kitchen Kiddies 14 Years old and below Rapid Chess Championship sa Hunyo 1, 2019, sa Highwayugills sa Mandaluyong City.
Nasa pangangasiwa nina Bethel Academy School Administrator Pastor Ted M. Ribo, PH coach Ederwin Estavillo at Mariners transport, ang mga chess players mula Bethel Academy School na makikipagtagisan ng isipan ay sina Jirah Floravie Cutiyog (grade 4), Carlyn Maneja (grade 6), Geraldine Mae Camarines (grade 7) at Jireh Dan Jaime Cutiyog (grade 9).
Nitong Martes, ipinahayag ni Ted M. Ribo na si Jirah Floravie Cutiyog (grade 4) ay nakatangap ng full scholarship sa kanyang education dahil na din sa impressive performance sa nakalipas na International chess tournament sa pagsubi ng medals sa Malaysia (2017) at Thailand (2018) habang sina Carlyn Maneja (grade 6), Geraldine Mae Camarines (grade 7) at Jireh Dan Jaime Cutiyog (grade 9) ay makakatangap ng discount sa kanilang education.
Magugunita na ang Young Filipino athletes mula sa General Trias City, Cavite ay nagwagi sa Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 sa Pattaya, Thailand at pinuri ng City Government via red carpet sa welcome sa kanilang achievements at pagdala ng pride at honor sa city at sa buong bansa.
Samantala, ang Rate of Play sa Open Kitchen Kiddies 14 Years old and below Rapid Chess Championship 2019 sa Hunyo 1 ay 20 minutes plus 5 seconds time delay na ipapatupad ang seven Rounds Swiss System Mode of Play.