Pagkakalooban na ng regular na suweldo at mga benepisyo ang mga taxi driver—habang ang mga pasahero nila, makakalibre naman sa WiFi.

CABBIES

Naglatag na ang Department of Transportation ng amended guidelines para sa mga premium taxi sa bansa.

Nabatid na kabilang sa nakasaad sa amended guidelines ang pagkakaloob ng regular salary at mga benepisyo ng mga taxi driver, updated requirements para sa road worthiness ng sasakyan, vehicle reclassification, at libreng Internet access para sa mga pasahero.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“In line with the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), the Department of Transportation issued Department Order (D.O.) No. 2019-007, amending provisions to D.O. 2015-011 for Premium Taxis,” anang DOTr.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga bagong patakaran ay para na rin sa kapakanan ng mga taxi driver at kanilang mga pasahero.

“When our drivers are salaried, they do not need to rush on the road to maximize the number of passengers and flagdowns they could get in a day. We, thus, reduce the risk of road incidence. And, with the amended vehicle specifications for premium taxis, we put on our roads vehicles that are safer and environment-friendly,” sabi ni Tugade.

Inaasahang magbubukas na rin ng mga premium taxi service franchise sa mga highly-urbanized cities sa labas ng Metro Manila.

-Mary Ann Santiago