NAITALA ng Quezon City, Caloocan at Valenzuela ang pahirapang panalo sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founders Cup nitong weekend sa San Juan gym.

Naghabol ang Quezon City mula sa 38 puntos na bentahe para hiyain ang host team San Juan, 87-85.

Nanguna si Joco Tayongtong sa QC sa natipang 25 puntos, 10 rebounds at anim na assists, habang kumikig sina Kim Medina at Mon Mabayo ng tig-16 puntos.

Naisalpak ni Medina ang go-ahead lay-up may 20 segundo ang nalalabi, habang naibuslo ni Mabayo ang isang free throw para selyuhan ang panalo ng Capitals – pinakamatikas na panalo sa liga sa kasalukuyan matapos mabaon sa 30-62 sa halftime.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Kumubra si Joseph Marquez ng 17 puntos sa San Juan, ngunit naisablay ang tira sa buzzer na nagpanalo sana sa San Juan.

Naghabol din at nakabawi ang Caloocan laban sa San Mateo, 96-90, habang nanaig ang Valenzuela sa Malabon, 107-106, sa overtime.

Nanguna si Vonne Rivera na may 18 puntos, apat na rebounds, at dalawang steals, habang kumana si Darwin Lunor ng 16 puntos at 11 rebounds para sa Caloocan.

Bumida si Mac Sevilla sa San Mateo na may 27 puntos, 11 rebounds, tatlong assists, dalawang steals, at isang block.

Hataw si Ford Ruaya para sa Valenzuela na may 17 puntos, 13 rebounds, dalawang assists, at dalawang steals.

Nanguna si Prince Casin na may 23 puntos, habang kumana su Dan Natividad ng 20 puntos para sa Malabon.

Iskor:

(Unang Laro)

Valenzuela (107) -- Ruaya 17, Dedicatoria 16, Gimpayan 15, Rivera 13, Kalaw 12, Alcober 11, Ch. De Chavez 8, Martinez 7, Ortega 6, Pastrana 2, Lacamento 0, Ca. De Chavez 0.

Malabon (106) -- Casin 23, Natividad 20, Ingles 13, Angeles 10, Aquino 8, Parungao 8, Pagayunan 7, Albo 6, Dela Cruz 4, Gallardo 4, Atabay 3, Bruno 0.

Quarterscores: 21-26, 47-43, 65-69, 94-94, 107-106.

(Ikalawang Laro)

Caloocan (96) --Rivera 18, Lunor 16, Santos 15, Palencia 12, Fontanilla 9, Hallare 8, Sombero 6, Tiquia 6, Manacho 6, Decano 0, Peñaredondo 0, Principe 0.

San Mateo (90) -- Sevilla 27, Castillo 19, Gumaru 12, Lasco 12, Malilim 6, Urganay 6, Magalangcom 4, Marilao 2, Duran 2.

Quarterscores: 25-23, 53-41, 75-62, 96-90.

(Ikatlong Laro)

Quezon City ( 87).-- Tayongtong 25, Medina 16, Mabayo 16, Derige 12, Castro 8, Barua 8, Macaraig 2, Bellosillo 0.

San Juan (85) -- Marquez 17, Saret 16, Lugo 13, Buñag 8, Ubalde 8, Bonifacio 6, Garcia 6, Astrero 5, Acol 4, Rosopa 2.

Quarterscores: 12-37, 30-62, 62-74, 87-85