FLATTERED si Bianca Umali kapag tinatawag siyang Sahaya ng mga nakakakita sa kanyang fans, sa halip na ang real name niyang Bianca Umali.

Bianca copy

Hindi ba siya nao-offend kapag iyon ang tawag sa kanya kaysa tunay niyang name?

“Hindi po, masaya pa po ako. Ibig sabihin, pinapanood nila ako, kami, kaya alam nila ang mga pangalan ng characters namin,” sagot ni Bianca. “Inspiration ko po iyon para mas lalo ko pang husayan ang pag-arte ko bilang si Sahaya sa aming epic-drama. At totoo pong pinaghihirapan namin ang pagganap sa aming mga roles.”

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Hindi nga kasi biro ang taping ng mga eksena nila, lalo na noong nasa supposedly ay nasa Tawi-Tawi pa sila bilang mga Badjaw, although sa ginawang Tawi-Tawi Village sa Calatagan, Batangas sila nag-taping. Kita mo ang tinitiis nilang init sa location, lalo na kung nasa labas sila na matindi ang init ng araw.

“Pero sulit po namang lahat ang hirap kapag nababasa namin ang magagandang comments s a s o c i a l m e d i a n a nagugustuhan nila ang portrayal namin at may mga natututunan sila sa tradition at cultures ng mga Badjaw.”

Ngayon kasi, sa Manila na ang location ng lead stars pero marami pa rin ang sa Calatagan, Batangas nagti-taping. Marami naman ang excited na sa pagbabago ng karakter ni Sahaya.

“Pero nami-miss ko pa rin po ang napaka-simple na si Sahaya. Si Miguel (Tanfelix) po ay ganoon pa rin bilang si Ahmad, pero marami nang pagbabagong magaganap lalo na at si Sahaya, hindi man niya alam na anak siya ni Harold (Zoren Legaspi), pero ibinibigay na nito sa kanya ang lahat ng luho na ikinaiinggit naman ni Lindsay (Ashley Ortega) sa kanya. Ang maganda po, palaban pa rin si Sahaya, hindi siya patatalo sa kanyang paniniwala.”

Napapanood ang Sahaya pagkatapos ng Kara Mia sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON