Pinangunahan ngayong Huwebes ni Vice President Leni Robredo ang Liberal Party (LP), na kanyang pinamumunuan, sa pagtanggi sa umano’y plot upang mapatalsik si Pangulong Duterte Rodrigo Duterte.

(Photo by OVP)

(Photo by OVP)

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na walang kinalaman ang LP sa destabilization plot, na isiniwalat ni Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang "Bikoy".

"Iyong Liberal Party, once again, nahila dito sa controversy. Gusto ko lang sabihin na I can speak for the party: Wala kaming kinalaman dito sa ‘Bikoy’ issue," pahayag ni Robredo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Natanong ko na si Senator Kiko, na siya iyong party president, wala din siyang alam, hindi niya kilala, hindi pa niya nakausap. Kaya tingin ko unfair na isali ulit iyong LP dito," dagdag ni Robredo.

Ipinagdiinan ni Roberdo, na opposition leader, na hindi sila natatakot sa akusasyon ni Bikoy.

"Iyong sa akin, kung ito ay harassment, kung ito ay ginagawang paraan para lalong yurakan at tapakan iyong Liberal Party o kaming nasa oposisyon, gusto ko lang sabihin sa ating mga kasama na hindi ito magiging dahilan para magpapatinag tayo. Hindi ito dahilan para huminto tayo sa pagpupuna kung may kailangan punahin," aniya.

"Waste of time ang pagpaplano against the administratio," pahayag ni Robredo.

Aniya, hindi niya kilala si Advincula at hindi pa sila nagkikita nang personal.

“Hindi ko siya kilala—never ko siyang nakausap, never ko siyang naka-text,never na nagkaroon ng communication between us," ayon pa kay Robredo.

“Ang sigurado ko lang, na nagsisinungaling siya. Ang sigurado ko nagsisinungaling  siya kasi dinamay niya iyong LP, na walang kinalaman. Sinabi niya iyong pangalan ko, na nagkita kami, na ni anino niya hindi ko talaga nakita,” she said.

LET BIKOY PROVE HIMSELF —PALASYO

Kailangan patunayan ni Advincula ang kanyang mga pahayag na ang LP ang nasa likod ng videos laban sa administrasyong Duterte,ayon sa Malacañang.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Panelo na ang pahayag ni Advincula ay trabaho na ng Philippine National Police (PNP).

"His confessions and revelations, if I may describe that, I think, is the onset of unmasking the truth behind the 'Ang Totoong Narcolist' video, which we said before as black propaganda intended to discredit the President and his family, and to besmirch their reputation with the intention of making the people lose trust in this President," aniya.

"As a lawyer, I just don’t believe in what a person says. He has to substantiate, he has submit proof...  For one, he has to submit a sworn statement. So we’d rather have the PNP do its job," dagdag niya.

Sinabi rin ng Palace official na nasa PNP o Department of Justice (DoJ) kung kakasuhan si Advincula.

"That’s for the PNP. If the investigation shows that he has violated the laws then he will be prosecuted as mandated by our law," wika ni Panelo.

"We will leave it to them (DoJ). If they are conducting an investigation, we will just wait whatever findings they have," dugtong niya.

Muling ipinagdiinan ni Panelo na ang pamilya ni Pangulong Duterte ay hindi sangkot sa  illegal drug trade.

"We have been saying that they are not involved, never involved, and they will never be involved because precisely, the President is the most powerful advocate against the use of illegal drugs," sabi niya.

Raymund F. Antonio, Argyll Cyrus B. Geducos, at Beth Camia