“I already know the gender of my baby and I want to screaaaaaaaaaam! So excited! I won’t share it yet because I will have a gender reveal. Only Castillo Amy (because hindi siya pumayag na hindi namin sabay tingnan ‘yung results), my bestfriend Coco Galang and my Ate Kaye Termulo-Garcia know. Not even Daddy Robin Padilla knows. It will be a surprise! God is so good. He knows what my Isabella needs.”

Mariel, Isabella at Robin copy

Ito ang ipinost ni Mariel Rodriguez-Padilla kahapon, Miyerkules ng umaga.

Tinext namin ang isa sa host ng It’s Showtime kung ano ang hula naming gender sa baby #2 niya pero sinagot kami ng “ha, ha, ha surprise.” Inulit ulit namin pero nanatiling surprise pa rin ang sagot ni Mariel.

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Natutuwa kami para kay Mariel dahil finally ay may kapatid na si Isabella dahil naghahanap na ito ng kalaro.

“Happy mommy”, ito ang sabi pa ni Mariel sa lahat ng bumabati sa kanya na magiging nanay na ulit siya.

Samantala, hindi apektado si Mariel sa lumabas na litrato ng fans na nagpa-picture sa asawang si Robin dahil kilala niya ang asawa niya at kung gaano rin kabait sa lahat ng taong gustong magpakuha ng larawan sa kanya. Ipinagmamalaki pa nga nito ang kabutihan ng kabiyak sa lahat at walang pinipiling tao.

Naikuwento rin niya kung gaano karesponsableng asawa’t ama si Robin kaya hindi matitibag ng anumang litrato o tsismis ang maganda nilang pagsasama.

Oo naman, dahil kapag nakakausap namin si Robin ay bukambibig niya ang mag-ina niya at kung gaano ka-hands on na nanay si Mariel kay Isabella. Bagay na hinangaan nang husto ng aktor at siyempre bilang isang asawa ay saludo siya kay Mariel na kahit may trabaho ay hindi nagkukulang sa kanilang mag-ama.

-Reggee Bonoan