SA grand mediacon ng filmbio ng pinaslang na Mayor ng Tanuan Batangas last July 1, 2018 na may titulong The Last Interview: The Mayor Antonio Halili na isinulat, produced at idinerihe ni Ceasar Soriano na siyang huling nakapanayam ng pinaslang na Mayor, ay nakausap namin ang isa sa lead cast nito na si Ara Mina na siyang gumanap bilang Gina Halili, ang asawa ng nasabing pinatay na mayor.

Ara copy

After the Q&A portion ay agad naming inurirat, kasama ang ilang kasamahan sa pagsusulat, si Ara Mina tungkol sa kalagayan ng kanyang lovelife sa kasalukuyan.

“May dalawa akong matiyagang suitors sa ngayon pero nasa dating stage pa lang kami. Wala pa akong sinasagot sa kanila.”

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Belong ba sila sa showbiz or sa politics?

Pareho daw non-showbiz at hindi rin belong sa politics.

“Ayoko na sa taga-showbiz kasi ma-intriga, eh. Mas gusto ko ‘yung tahimik lang. Nang sa gayon hindi kami naisusulat or naiintriga or nilalagyan ng isyu. Mas tahimik at ‘di maintriga kapag non-showbiz, eh,” paglilinaw ng aktres.

Ano ba ang tipo niyang maging next boyfriend?

“Siyempre ‘yung respons ible, maiintindihan ‘yung work ko as an actress at ‘yung ‘di nakakasakal na relationship.

“Ang gusto k o , ‘ y u n g magiging next boyfriend ko, ‘yun na talaga ang pakakasalan ko at makakasama habambuhay.

“Wala pa akong ipinakikilalang boyfriend sa anak kong babae kasi ayokong ma-confuse ‘yung bata kung bakit paiba-iba ang lalaking ipinakikilala ko sa kanya.

“Nagkaroon na ako ng sexy image noon, pero in real life, may pagka-conservative pa rin ako. Hindi naman sa tinatawag na dalagang pilipina ako, pero ngayong nagkaanak na ako, iba na ang priority ko,” ang mahabang tsika pa sa amin ng aktres na may sweet face and sweet smile palagi, up close and personal, that is.

K, noted.

Samantala, palabas na sa mga sinehan ngayon ang The Last Interview: The Antonio Halili Story at katambal dito ni Ara si John Estrada na siya namang gumanap bilang si Mayor Antonio Halili. Kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, Mon Confiado, Phoebe Walker, Martin Escudero, Michael Flores, Kenneth Paul Cruz, JM Soriano, Kate Alejandrino, Zandra Summer at Direk Ceasar Soriano as himself, the journalist, na siyang huling naka-interview sa pinaslang na mayor ng Tanauan, Batangas.

-MERCY LEJARDE