Panawagan ni PVF president Boy Cantada sa sports officials

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

HANGAD ni Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada na matamo ang tunay na reporma sa Philippine Sports, ngunit iginiit na hindi katangap-tangap na idamay ang mga atleta para sa pagkilos at layuning mapatalsik ang mga pinuno sa National Sports Association (NSAs) at Philippine Olympic Committee (POC).

Cantada

Cantada

Ayon kay Cantada, mahabang panahon nang lumalaban para maibalik ang pagkilala sa PVF bilang lehitimong sports body sa volleyball, maisusulong ang minimithing pagbabago sa pamunuan ng mga abusadong NSAs, gayundin sa POC sa pamamaraang hindi gagamiting ‘pananga’ ang mga atleta.

“We sports leaders, should fight our own battles lest people doubt our leadership. Let us not incite nor provoke our national athletes to come out and revolt against the POC in the guise of ‘duty to denounce the corruption in government and their NSAs,” pahayag ni Cantada sa kanyang social media account.

“A most noble undertaking, indeed, but the prevailing conditions discourage that most of our National Athletes come from the marginalized sector of our society. Most are dependent on their allowances for their daily subsistence and sadly, their families daily subsistence,” aniya.

“You could not expect these athletes to put these in jeopardy by coming out denouncing the officials of their respective NSAs of corruption even if there is such corruption at the risk of losing their allowances and privileges – Never! Let us not put our National Athletes in such a predicament, Let us not involve the National Athletes. Let us not ‘expect too much’ from them.”

Inihayag ni Cantada ang mensahe bunsod nang mainit na balitaktakan ng netizen sa social media matapos i-expose ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang umano’y ‘overpricing’ sa competition uniform and equipment para sa delegasyon na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Sa kabila ng pagiging miyembro sa Phiscoc – ang grupo na nangangasiwa sa paghahanda ng SEAG – ang POC, na pinamumunuan ni Ricky Vargas at hindi ang PSC ay may kapangyarihan sa pagpili ng brand na gagamitin ng mga atleta.

Nangungunang nagtutulak nang malawakang pagkilos sa partisipasyon ng mga atleta laban sa POC si dating PSC Chairman Aparicio Mequi – naalis sa puwesto bunsod ng pamosong ‘Athlete’s Revolt’ na pinamumunuan noon nina Olypian at Asian champions Eric Buhain at Elma Muros-Posadas noong 1993.

Iginiit ni Cantada na hindi dapat madamay ang mga atleta na kasalukuyang nakatuon ang atensyon sa pagsasanay at paghahanda para masigurong hindi mangagamote ang PH Team sa  biennial meet na gaganapin sa bansa sa ika-apat na pagkakataon.

Sa huling hosting ng bansa noong 2005, nakamit ng Team Philippines ang overall championship.

“This is distraction. Let us fight our battles and wage war without putting the National Athletes in the forefront. The risk for them is simply too much. The only time we could involve the athletes is when Congress could have a Congressional hearing and the athletes could be given adequate protection. The possibility of Congressional hearing is real. Until then, let us not involve them,” sambit ni Cantada.

Matagal nang nakikipagbuno ang grupo ni Cantada para maibalik ang recognition na ilegal na inalis ng POC, sa pamumuno noon ni Jose ‘Peping’ Cojuangco. Nananatiling miyembro ng International Federation ang PVF, ngunit ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ang kinikilala ng POC.

“Naiparating na namin ang aming hinaing sa POC. Nailahad na rin namin ang aming posisyon sa FIVB. Matagal ang laban, pero tuloy ang aming pakikibaka, ngunit hindi ito dahilan para hikayatin namin ang mga atleta na samahan kami sa laban,” sambit ni Cantada.

Nauna na ring, dumistansiya si Cantada sa grupong Coalition for Good Governance in Philippine Sports, na pinangungunahan ni Lt. Gen. (ret.)  Charly Holganza ng Dragonboat Federation. Kasama ang bowling at table tennis na pawang may gusot sa POC, isinusulong ng grupo ang pagkakaroon ng bagong pamunuan sa Olympic body.

-Edwin Rollon