CEBU CITY— Habang nakaluhod at tumutulo ang luha, masuyong hinalikan ni Cristine Claire Bontuyan ang duguang lalaking nakabulagta sa kalsada.

(kuha ni Juan Carlo de Vela)

(kuha ni Juan Carlo de Vela)

"Papa! Papa! Please wake up! Let’s go home!" sigaw niya.

Naganap ang eksenang ito sa mataong kalsada malapit sa isang mall kung saan itinumba ng riding-in-tandem si Police Capt. Delfin Bontuyan nitong Martes, bandang 2:00 ng hapon.

National

'Sen. Robin, mag-VP na lang kung ayaw na maging senador!'—Rowena Guanzon

Ang biktima, na minaneho ang kanyang motorsiklo, ay galing sa court hearing sa Qimonda Hall of Justice on North Reclamation Area. Huminto siya sa intersection ng Pope John Paul Avenue at Juan Luan Street.

Sa pagberde ng traffic light, tinabihan ng tandem ang biktima at pinaputukan ng backrider. Isa pang tandem ang huminto sa harap ng biktima at pinaputukan pa ng backrider.

Ayon kay Police Major Miles Damoslog, deputy chief ng Mabolo police, sinubukang habulin ng mga pulis ang mga suspek, ngunit bigo.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa pamamaslang, ngunit ayon kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, hepe ng Police Regional Office in Central Visayas, sinisilip ng mga imbestigador ang mga nakaraang intelligence reports na ang biktima ay sangkot sa illegal drug trade.

-Calvin D. Cordova