Hinarang ang tatlong hinihinalang biktima ng human trafficking nitong nakaraang linggo, matapos na pakitaan ng kahina-hinalang mga dokumento ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

TRAFFICKING_ONLINE

Ayon kay BI port operations chief Grifton Medina, hinarang ang tatlong babaeng pasahero, na papasakay na sana pa-Dubai, ng mga miyembro ng travel control and enforcement unit (TCEU) sa NAIA Terminal 3, nitong Biyernes.

Nagpakita ang tatlong babae ng valid UAE visas at job contracts, ngunit napag-alaman na peke ang kanilang overseas employment certificates (OECs), ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) personnel sa airport.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Idinagdag ni Medina na nakasaad sa kanilang kontrata na sila ay tinanggap bilang mga kitchen staff, waitress at sales assistant sa Dubai, ngunit sila ay magtatrabaho roon bilang mga domestic helpers.

"This 'upgrading' of work is another scheme by illegal recruiters. Their victims are made to appear that they were recruited for high paying jobs when, in fact, they would be getting meager salaries," ani Medina.

Ayon kay BI NAIA 3 TCEU head Anthony Lopez, hindi alam ng mga pasahero ang pangalan ng manpower agency na nag-recruit sa kanila.

"The two of them admitted that they applied for their jobs via Facebook while the other one could not say how she was introduced to or recruited by her handlers," ayon kay Lopez.

Idiniretso ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa imbestigasyon.

-Jun Ramirez