“Presyong ayaw ba ‘yan? Level na niya mga nag-concert na sa Araneta?”

Ito ang reaksyon ng out-of-town producer na nag-inquire at pinresyuhan ng isang baguhang singer, na wala pa naman daw record na nakapuno ng malaking concert venue, tulad ng MOA, Smart Araneta Coliseum, o KIA heater.

Ang imbitasyon ng producer sa baguhang singer ay para sa isang town fiesta at walang kinalaman ito sa politics, at wala ring tickets selling. Sa madaling salita, gusto lang daw magpasaya ng mga kababayan nila ang nasabing producer.

“Imagine 2-3 songs lang naman ang sinabi ko, sobrang taga ang presyo, P300,000 daw. Ano ‘yun, 100K per song siya? Ano na ba napatunayan niya? Wala nga siyang sariling show pa. Saan ba siya napapanood? May regular gig ba siya?” sunud-sunod na tanong sa amin ng producer.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa totoo lang, hindi pa namin nakikilala nang personal ang singer na binabanggit sa amin ng producer, naririnig lang namin ang pangalan niya, at hindi pa rin namin naririnig ang boses niya, kaya bigla tuloy naming ni-research kung ano ang mga kanta nito.

In fairness, maganda nga ang boses at powerful, akala namin ay miyembro siya ng bandang Aegis. He, he, he.

“Ayaw ko sa kanya, kukuha ako ng mas sikat sa kanya,” pagtatapos ng aming kausap na producer.

Bigla tuloy namin naalala ang nakausap naming celebrity kamakailan na umalis siya sa management company niya dahil sobrang taas daw maningil ng manager niya, at marami siyang projects o raket na nawawala.

Hmmm, hindi kaya ganito ang nangyari sa baguhang singer na nalakihan sa TF na sinabi ng manager niya, kaya hindi na siya kinuha? Sana aware siya rito.

Reggee Bonoan