SA ginanap na mediacon ng pelikulang Finding You, inamin ni Jane Oineza kung ano talaga ang naging relasyon nila ng co-star niya sa pelikula na si Jerome Ponce.

Jane at Jerome copy

“Masaya ako kasi nabigyan ulit kami ng opportunity na mag-work together bilang ang last nga namin ay Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? (2015). Hindi ko akalain na mabibigyan kami ng chance kaya masaya ako.

“Hindi naman naging kami to begin with. Parang hindi lang nag-bloom. Parang puwede na makakarating naman sa ganon, kasi nag-uusap naman kami. May potential, pero hindi umabot don.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I can’t say kung nag-work or hindi, kasi hindi pa namin na-try. Hindi umabot sa ganon,” paglilinaw ni Jane.

Ano ba ang nagustuhan ni Jane kay Jerome?

“Sweet naman siya as a person. Hindi ko lang maalala kung may ginawa siya for me noon. Pero as a person, sweet siya, maaalalahanin naman siya. Mabait.

“Tsaka gusto ko, may humor. Kailangan mapapatawa mo ‘ko, kailangan ‘di ako ma-bored. Kailangan masaya lang. ‘Yun ‘yung mahalaga sa ‘kin. Yung comfortable ako at ikaw. Ganon lang, walang pretensions.

“Hindi naman nawala ‘yung friendship, ‘yung communication. Hindi naman parang after NKNKK hindi na kami nag-usap at all,”saad pa ng aktres.

Samantala, nagpasalamat si Jane sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa Finding You.

“I try lagi naman ‘pag binibigyan ako ng kahit ano’ng project, kahit anong role, ibinibigay ko ang everything ko sa role na yon, lahat-lahat pati pagkatao ko.

“So masaya marinig na naa-acknowledge ‘yon, o napapansin ng mga nanonood ng mga nagbibigay ng projects sa ‘kin, na pinagkakatiwalaan pa rin ako sa next na projects.

“And mahilig din ako mag-experiment ng iba-ibang roles na hindi ko pa nagagawa or mga challenging, ‘yung mga mahirap,” sabi pa ni Jane.

Natanong din si Jerome tungkol sa kanila ni Jane.

“Nanatili kaming magkaibigan, kasi madalas naman kaming nagkikita dahil ‘pag nagkikita kami, nagkukuwentuhan nang matagal, tapos nagkakayayaan lumabas with other friends.

“Sobrang nakaka-excite and pressured, kasi the last time we worked, siya ang nagdala lahat ng eksena don sa teleserye namin. Parang na-excite na rin as well dahil nakikita ko na as matured (actors),” sabi ni Jerome.

Ano naman ang masasabi ni Jerome na isa siyang underrated actor?

“As of now, kung underrated man ako, I’m really happy what I have now. Masaya na ‘ko. Siguro kung bibigyan man ako ng ibang projects, siguro mas magiging thankful ako. Okay na ‘ko.

“Wala naman ako kailangan i-react. Bakit pa ako magiging masama ang loob? I’m really, really thankful kung anuman meron ako ever since. Finding You, the big idea,” say ng aktor.

Sa Finding You, gagampanan ni Jerome ang role ng isang social media journalist na si Nel na may hyperthymesia, na kabaligtaran ng amnesia. Natatandaan lahat ng binata ang mga nangyari sa buhay niya simula nang magkaisip siya.At dahil sa kondisyong ito ni Nel ay hirap siyang makahanap ng mamahalin, kaya Finding You ang titulo ng movie.Bride-to-be at best friend ni Nel si Kit (Jane), na laging nasa tabi niya sa hirap at ginhawa.

Anyway, mapapanood ang Finding You sa Mayo 29, mula sa Regal Entertainment. Bukod kina Jerome at Jane, kasama rin sa movie sina Barbie Imperial, Claire Ruiz, Kate Alejandro, Jon Lucas, Paeng Sudayan, mula sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Para sa mga karagdagang impormasyon, i-follow ang Regal Entertainment, Inc. sa Facebook, at mag-subscribe sa YouTube channel nito. I-follow din iton sa Twitter: @RegalFilms at Instagram: @RegalFilms50.

-Reggee Bonoan