HINIKAYAT ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-4-A (Calabarzon) ang mga kumandidato at kanilang mga tagasuporta, gayundin ang lokal na komunidad, na i-recycle ang kanilang mga campaign materials.

Inihayag ni DENR 4-A Executive Director Maria Paz Luna sa Philippine News Agency (PNA) nitong Huwebes na sinusuportahan nila ang panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga kumandidato na pangunahan ang cleanup drive sa kanilang mga lugar para alisin ang mga nagsabit na campaign materials sa lansangan.

Ani Luna, inaasahan nilang malaki ang basurang malilikom dahil sa campaign materials na mababaklas sa mga pampublikong lugar.

“We hope these wastes do not end up in bodies of water and farther to the seas,” sabi niya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ipinaliwanag din ni Luna na kahit na walang pagbabago sa laki at kapasidad ng sanitary landfills o tambakan, kailangan pa ring bawasan ang solid wastes.

Sa pamamagitan ng upcycling method, aniya, magagawang kapaki-pakinabang ang mga patapon nang mga produkto.

At maaaring gamitin ang mga campaign poster, tarpaulin, sample ballot, flyer at leaflet, na magiging basura lang, ng “Junk Not! Eco- Creatives”, isang Laguna-based social enterprise, at gawing recycled materials.

Ipinahayag din ni Wilhelmina Garcia, award-winning interior designer at may-ari ng Junk Not!, na hindi tatanggapin lamang nila ang mga hindi na gagamiting campaign ad materials kung bibilhin din sa kanila ang mga recycled products na nagawa mula rito.

Ang mga campaign materials na nabanggit ay maaaring gawing upuan, lalagyan ng sapatos, ballpen o pencil case, wallet, at marami pang iba, at maaari itong i-donate sa mga paaralan.

“This kind of buy-back model will make future waste producers think twice,” sabi ni Luna. “This is an opportunity for individuals to create value around products that would otherwise end up in sanitary landfills or illegal dumpsites.”

Ipino-promote ng Junk Not! Eco- Creatives ang iba’t ibang malikhaing pamamaraan para gawing kapaki-pakinabang ang araw na araw na basura at iba pang solid trash, at pagpapaunawa sa mga lokal na komunidad na maging responsable para sa kapaligiran.

PNA