Naghain ng reklamo ang election transparency watchdog group na Mata sa Balota sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng Commission on Elections kaugnay ng umano’y mga anomalyang nangyari sa eleksiyon.

Nais ng mga complainant na sina Manuel Galvez, Diego Magpantay, Dr. Nelson Celis, at Melchor Magdamo na makasuhan si Comelec Executive Director Jose Marundan Tolentino, kasama sina Deputy Teopisto Elnas Jr., Director James Arthur Jimenez, at ang pamunuan ng Smartmatic, ng serious dishonesty at gross neglect of duty.

Inirereklamo ng mga grupo ng election watchdogs ang “latest electoral disaster”, na ayon sa kanila ay pinalalabas lang ng media bilang “glitch”.

Napaulat na binanggit ng Department of Education (DepEd) na 1,333 vote counting machines (VCM) ang pumalya nitong halalan, na ayon sa grupo ay 38.7% mas malala sa bilang ng Comelec sa mga pumalyang makina.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakababahala ito para sa Mata sa Balota dahil “one percent error can enthrone and dethrone the last remaining slots in the senatorial and party list race as well as in local legislative bodies.”

“Colossal Comelec [plus] Smartmatic electoral atrocities are too enormous to fit into a single complaint by a few complainants,” anang grupo.

“We propose to the Honorable Office of the Ombudsman the creation of a Task Force that shall consolidate all complaints against the Comelec [plus] Smartmatic 'riding in tandem' to save Comelec as an institution and stop the recidivistic multiple rapes of Philippine democracy by a foreign entity,” dagdag pa nila.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Comelec na harapin ang mga reklamong administratibo na inihain laban sa kanila.

“I think the idea there is to meet the complaint. Kung meron allegations, sagutin, paliwanagan. That is all that we could do about it,” sinabi ni Jimenez ngayong Martes.

Czarina Nicole Ong Ki, Jun Fabon, at Martin A. Sadongdong