DINAIG ng Caloocan-Gerry’s Grill ang Pateros-Metro Asia, 68-61, nitong Sabado para buhayin ang kampanya na makahirit ng playoff sa Metro League Reinforced (Second) Conference sa MetroAsia Arena sa Pasig City.
Mula sa dikdikang labanan sa unang tatlong quarters, nakakuha ng tyempo ang Supremos sa krusyal na sandali mula kina Johnnel Rey Bauzon at Michael De Leon para sa pahirapang panalo.
Ginapi naman ng Manila-INGCO ang Solid San Juan, 94-89, para manatiling kumikikig sa labanan matapos ang 0-2 simula sa torneo na itinataguyod ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Basketball Association (PBA) at Barangay 143.
Mula sa 51-50 bentahe patungo sa final canto, humataw si Bauzon para pagbidahan ang matikas na scoring run at kunin ang 67-59 abante.
Tangan ng Supremos ang 4-2 sa North Division ng liga na suportado ng Synergy 88, World Balance, Excellent Noodles, San Miguel Corporation, SMS Global Technologies, Inc., Spalding, Team Rebel Sports, PLDT at Manila Bulletin bilang media partner.
Nanguna si Bauzon na may 16 puntos, habang tumipa si De Leon ng 15 puntos para nakisosyo saCaloocan sa liderato.
Nanguna sa Manila (3-3) si Francis Camacho na may 16 puntos, limang rebounds at dalawang assists.
Marivic Awitan
Iskor:
(Unang Laro)
Manila-INGCO (94) -- Camacho 16, Laude 12, Mendoza 11, Acibar 9, Acosta 9, Celada 9, Lastimosa 8, Yu 8, Arafat 7, King 4, Balagtas 0, Manalo 0
Solid San Juan (89) -- Miller 25, Dada 14, Castro 11, Clarianes 8, Jacunap 8, Astrero 7, Abanes 5, Matias 4, Saret 4, Bautista 0, Danas 0
Quarterscores: 20-14, 50-47, 76-70, 94-89
(Ikalawang Laro)
Caloocan-Gerry’s Grill (68) -- Bauzon 16, De Leon 15, Niang 12, De Mesa 11, Darang 8, Brutas 4, Sombero 2, Ngo 0, Ortiz 0
-Metro Asia (61) -- Velchez 16, Gerero 12, Flores 11, Asis 5, Arellano 5, Mabazza 5, Pacleb 4, Marcial 3, Go 0, Anasco 0, Espiras 0
Quarterscores: 21-20, 40-35, 51-50, 68-61