KAHIT wala na siya sa pinakamamahal na eskuwelahang University of Santo Tomas, nais ni Cherry Rondina na may alaala syang maiiwan at tatatak sa mga Tomasino.

Hindi man niya naibalik ang inaasam na titulo sa women’s v o l l e y b a l l , babaunin ni Rondina ang respeto, paghanga at pagmamahal ng mga Tomasino bilang sukli sa buong puso nyang paglalaro at pagbibigay ng lahat ng kanyang makakaya para sa UST Tigresses na naghatid sa koponan sa finals.

“Gusto ko ‘pag nabanggit ‘yung pangalang ‘Sisi Rondina’, maaalala nila ako bilang isang atletang ibinigay lahat at ng buong puso ang aking makakaya para sa UST. Isang atletang hindi ipinahiya ang UST,” anang Season 81 MVP, Best Scorer at Second Best Outside Hitter na si Rondina, matapos ang naging kabiguan nila sa Game 3 ng finals sa Ateneo noong Sabado.

“Kung puwede nga lang gusto ko pang mag stay at maglaro para sa UST. Ganun ko kamahal ang UST. Kaso ga-graduate na ko ngayong June,” ayon pa sa Cebuana spiker.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ayoko sanang umalis. Kasi gusto iwanan ang UST na champion.Pero talagang hanggang dun lang.”

“ B u t s t i l l , nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos sa ibinigay nyang pagkakataon na matulungan ko ang UST na makabalik ng finals.From 7th place last year, tapos walo yung mga kasama naming rookies. Masaya na kami na umabot kami ng finals,” ayon pa kay Rondina na nagtapos ding may apat na titulo at MVP awards sa UAAP beach volleyball.

At bago tuluyang magpaalam, nagbilin pa sya sa mga maiiwang teammates at mga susunod na henerasyon ng Tigresses na mahalin at ipaglaban ng buong puso ang UST gaya ng pagmamahal na ipinakita nya dito.

-Marivic Awitan