UNANG beses naming nakilala si Nick Vera Perez, isang nurse sa Chicago na suma-sideline na singer at tumutulong sa mga baguhang mang-aawit na doon din naka-base.

Nick

Napabilib kami kay Nick dahil in his own little way ay tumutulong siya sa mga taong nangangailangan.

“Alam ko kung paano ang maging mahirap, dahil dumanas ako sa hirap noong nandito pa ako sa Pilipinas,” pag-amin ni Nick. “Tumutulong ako sa mga taong in need at tulungan din nila ang sarili nila at kung kaya pa, tumulong din sila sa iba.”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Taunan kung umuwi ng Pilipinas si Nick para madalaw ang pamilya at mga kaibigan at para i-share ang blessings niya sa mga kababayan. Isinama na rin niya ang mga talent niya, na pawang mahuhusay din.

Successful ang homecoming ni Nick sa Pilipinas, dahil sunud-sunod din ang blessings na natatanggap niya.

Jampacked ang lahat ng mall show ni Nick para na rin sa launching ng kanyang I Am Ready album under Warner Music Philippines, tulad sa KCC Mall Zamboanga, SM Davao, SM Bacoor sa Cavite, at sa iba pang panig ng Pilipinas.

Itinanghal na Outstanding Male Performer of the Year si Nick sa Laguna Excellence Awards, kaya bilang pasasalamat sa mga natanggap niyang blessing ay nagkaroon siya ng homecoming presscon at media night, sa Rembrandt Hotel Grand Ballroom nitong Huwebes.

Dito na rin ipinakilala ni Nick ang talents niya sa NVP1, na sina Rozz Daniels, Erika Salas, Soul of One, at NVP1 Smile World Angels.

“I really appreciate lahat ng support ng mga press. You know for the last three years we have presscon pero mabilisan lang. So this night is for you, the food is for you, enjoy tayong lahat and I hope that I can make you happy tonight in my own little way.

“I want to honor the press kasi you’ve helped me a lot in my transition to the Philippines. And I never really had the chance to thank you all. So, ngayon it’s really about you, appreciation night ko sa inyo.

“We have so much plans. But ayoko rin nang paora-orada. Gusto ko ‘yung may building the climax. Gusto ko ‘yung we’re starting like this and then we go bigger and bigger. So, now umiikot na kami nationwide para sa album promo tour. And then we’re planning next year is the grand concert, hopefully sa Music Museum sa May 2020. And after that hopefully sa Asia. And after that ‘yung second album na.”

Mentor at discoverer si Nick ng bagong talents.

“Ang bago ngayon is because I build my own company sa States which is NVP1 World, we recruit new talents, so Rozz is a product. Just like me she is just starting but she is full of energy. So far, she is well-received by the crowd.

“Aside from that ‘yung Soul of One, we want to introduce them individually this time. Kasi before group sila, so now we want you to see them kung gaano sila ka-effective at kagaling individually. And of course, nandiyan pa rin si Erika. So, now we’re just having fun.”

-Reggee Bonoan