Opisyal nang nagsimula kamakailan ang 2019 World Beard and Mustache Championship sa Antwerp, Belgium, ulat ng United Press International.

BEARDS

Suportado ngayong taon ng Snorrenclub Antwerpen -- "Moustache Club of Antwerp" sa Dutch – dinarayo ang kumpetisyon ng mga beard and mustache enthusiasts mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa tatlong araw na kumbensiyon at kumpetisyon.

Kabilang sa mga kategoryang pinaglalaban ang Ladies' competition, na may kategorya para sa Realistic at Creative expression ng mga artipisyal na bigote at balbas.

EXCLUSIVE: National Artist Ricky Lee, idinetalye theatrical adaptation ng ‘Para Kay B’

Samantala, ang World Beard and Mustache Association, na binuo noong 1990, ang namamahala at unang nag-host ng kumpetisyon sa Holten, Germany.

Mula noong 2001, kada-dalawang taon idinaraos ang world competition na bumibisita sa Brighton, England; Anchorage, Alaska; Trondheim, Norway; Stuttgart, Germany; Leogang, Austria, at noong 2017, sa Austin, Texas.