Patay ang isang 5-anyos na babae nang saksakin sa leeg ng isang umano’y drug addict na kapitbahay at isinilid pa sa eco-bag sa Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Laguna, nitong Linggo ng gabi.

SINAKSAK(3)

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Redelyn Sumague, ng Sitio 1, Barangay Patimbao, ng naturang bayan, na may saksak ng screwdriver sa leeg.

Inaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na si Glenn Ford, 30, at umaming siya ang responsable sa pamamaslang.

Alamin: Halaga ng peso kontra dolyar sa nagdaang 5 araw

Sa paunang imbestigasyon ng Sta. Cruz Police, huling nakitang buhay ang biktima habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay, dakong 9:00 ng gabi.

Matapos ang isang oras, naiulat na nawawala na ito hanggang sa matagpuan ng mga kamag-anak ang bangkay nito na nasa loob ng isang malaking eco-bag.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang suspek upang matukoy ang motibo nito sa krimen.

-Danny Estacio