Nagbabala kamakailan ang pamahalaan ng Austria sa mga Internet user na huwag patulan ang online cow-kissing challenge, dahil sa pagiging "dangerous nuisance" nito.

COW-KISSING

Nitong nakaraang linggo, isang Swiss app na Castl ang naglunsad ng #KuhKussChallenge ("Cow Kiss Challenge") na humihikayat sa mga users sa Switzerland at iba pang German-speaking countries na humalik sa baka — "with or without tongues" – upang makalikom ng pondo para sa charity.

Ngunit kinontra ito ni Austrian Agriculture Minister Elisabeth Koestinger, at tinawag ang challenge na "dangerous nuisance".

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

"Pastures and meadows are not petting zoos.  Actions like these could have serious consequences," paliwanag ng minister.

-AFP