NAKUMPLETO ng Ateneo ang matikas na pagbalikwas mula sa kumunoy ng kabiguan nang gapiin ang University of Santo Tomas sa ‘sudden death’ para makamit ang kampeonato sa UAAP Season 81 women’s volleyball nitong Sabado sa MOA Arena.

[gallery columns="2" size="medium" ids="339855,339854"]

Hataw ang Lady Eagles sa kabuuan ng laban para maitarak ang 25-17, 25-22, 25-22 panalo laban sa Tigresses at kunin ang ikatlong titulo sa liga at una mula noong 2015. Naipuwersa ng Ateneo ang deciding Game 3 nang magwagi sa four-set decision sa Game 2.

Tinupad nina Maddie Madayag at Bea de Leon, rookies sa back-to-back championship ng Atenep noong 2015, sa pangunguna ni Alyssa Valdez, ang pangako na muling ipalalasap ang kampeonato sa eskwelahan bago ang kanilang pagtatapos.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Ibinigay ni Madayag ang back-to-back clutch drop balls para mailagay ang Ateneo sa championship point bago selyuhan ni Jules Samonte ang panalo sa isang block.

Kumana si Kat Tolentino ng 15 puntos, tampok ang 11 attacks para sa Ateneo. Tangan niya ang averaged 12.7 puntos sa serye. Nag-ambag si Madayag ng anim na kills at apat na blocks para sa 10 puntos.

Tinanghal na Finals MVP si De Leon na may anim na puntos at average 7.7 puntos sa serye.

Nag-ambag sina Deanna Wong ng 16 excellent sets at 12 digs para sa apat na puntos, habang kumana si Jules Samonte ng anim na puntos at 10 excellent receptions, at tumipa si libero Dani Ravena ng 13 digs at pitong excellent receptions.

Kinasihan ang kabiguan ng Tigresses, asam na tuldukan ang siyam na taong title drought, sa natamong 29 errors.

Sumabak sa kanyang huling taon sa UST, nagsalansan si Sisi Rondina ng 18 puntos mula sa 17 kills, bukod sa 11 digs at pitong excellent receptions.

Nag-ambag si Eya Laure, nagtamo ng sprained sa kaliwang paa sa Game 2 nitong Miyerkules, ng 10 puntos.