Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan sa Barangay Cancavan, Carmen, Surigao del Sur, nitong Linggo ng hapon.

SAGUPAAN(21)

Ayon kay 36th Ifantry Battalion (IB)-Civil Military Operations officer, 1st Lt. Jonald Romorosa, hindi pa nakikilala ang apat na nasawing rebelde.

Sa report ng militar, nagpapatrulya ang nasabing military unit sa lugar nang makasagupa ang Weakened Guerilla Front 30 (WGF 30) ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA)-Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), dakong 1:00 ng hapon.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“The gunbattle took place after 36th IB patrolling troops led by 1st Lt. Jayson Tulang immediately responded to the reports of the locals about the presence of Communist New People Army Terrorists (CNTs) conducting extortion and posing a threat to the community. Upon arriving in the mountainous area of the said community, responding troops encountered the rebels in a fierce gunfight, “ sabi nito.

Tumagal aniya ng 15 minuto ang sagupaan na ikinasawi ng apat na rebelde at ikinaaresto ng isa pa nilang kasamahan.

Nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang limang high powered firearms na kinabibilangan ng tatlong AK47 at dalawang M16 Armalite rifle, 12 magazine ng AK-47, tatlong cellular phone at iba pang kagamitan.

Kaugnay nito, nakiramay naman ang militar sa mga naulila ng apat na rebelde kasabay ng pagsasabing nakikipag-ugnayan na sila sa mga local government unit at sa pulisya upang matunton ang mga kamag-anak ng apat na nasawi.

-Mike U. Crismundo