NEW YORK (AP) – Tuluyang naihabi ni defending champion Brooks Koepka ang marka na pinakamababang iskor sa 36-hole sa kasaysayan ng major golf nitong Biyernes sa natipang seven-stroke na bentahe mnatapos ang dalawang round ng PGA Championship na maagang nilisan ni Tiger Woods.
Hataw ang third-ranked na si Koepka, liyamado para sa ikaapat na major title, sa naiskor na five-under par 65 sa Bethpage Black para sa 12-under 128.
Ang matikas na kampanya sa loob ng dalawang araw ng kompetisyon ay nagbunga ng pinakamalaking bentahe sa kalagitnaan ng torneo sa kasaysayan ng modern major golf history. Huling naitala ang malaking bentahe sa pagtatapos ng 36-hole sa PGA ay oong 1994 nang maitala ni Zimbabwean Nick Price ang five-shot edge.
“Today was a battle. I was fighting,” sambit ni Koepka. “I feel good, especially the way I battled today. I fought hard. I feel great. Just need to continue on the weekend.”
Ang dating marka sa lowest score matapos ang dalawang rounds ay 130 na limang beses na naitala, huli’y kay American Gary Woodland sa nakalipas na PGA.
Nagawang ma-birdie ni Koepka, umiskor ng course record 63 sa first round, ang unang apat na holes, gayundin ang huling apat para sa pinakamatikas na simula sa major golf.
Malamya naman ang laro ni Woods, unang torneo matapos ang makasaysayang panalo sa Masters para sa ika-15 major.
“Just didn’t quite have it,” pahayag ni Woods, umiskor ng 73 para sa kabuuang 145, isang puntos ang layo sa cut line. “Did a lot of little things wrong. There’s no reason I can’t get up to speed and start cranking it back up again. I’ve got to start feeling better first.”