GINAPI ng De La Salle ang Far Eastern University, 2-0, nitong Huwebes para makamit ang ika-11 titulo sa UAAP Season women's football sa Rizal Memorial Stadium.
Matapos ang gitgitang labanan sa first half, nakabutas ang Lady Archers mula kay Rocelle Mendaño sa ika-54 minuto ng laro, bago nasundan ng header ni rookie Shai Del Campo sa ika-79 minuto para makamit ang Season 81 title at makumpleto ang 'three-peat'.
Tinanghal na MVP si La Salle star player Sara Castañeda.
"I'm very happy and very thankful that I got the chance to play for this team," pahayag ni Castañeda, tinanghal ding Best Midfielder. "I don't think we think the championship so much. More of us, we try to play our best in every game."
Nakuha ni Del Campo ang Rookie of the Year at Best Striker honors, habang ang kasanggang si Tashka Lacson ang Best Goalkeeper awardee.
Nakamit ni Hannah Pachejo ng Lady Tamaraws ang Best Defender plum, habang nakuha ng Lady Archers ang Fair Play award.
Nakopo ng University of Santo Tomas, last season's losing finalist, ang ikatlong puwesto.