MAS marami at mas malaking torneo ang nakalinyang ilunsad ng Ahedres Pilipinas ngayong taon. Bunsod ito ng matagumpay na kaganapan sa isinulong na rapid chess team tournament nitong Mayo 12.

MAS malalaking torneo ang planong isulong ng Ahedres Pilipinas ngayong taon, ayon kay women chess master at orgabnizer Christy Laniel Bernales (dulong kaliwa) sa kanyang pagbisita sa TOPS 'Usapang Sports' kasama sina (mula sa kanan) Dzi Gervacio ng Bangko Perlas, Myla Pablo ng Motolite at PVL chief Rikcy Palou.

MAS malalaking torneo ang planong isulong ng Ahedres Pilipinas ngayong taon, ayon kay women chess master at orgabnizer Christy Laniel Bernales (dulong kaliwa) sa kanyang pagbisita sa TOPS 'Usapang Sports' kasama sina (mula sa kanan) Dzi Gervacio ng Bangko Perlas, Myla Pablo ng Motolite at PVL chief Rikcy Palou.

Layunin ng grupo na mabigyan ang mga Pinoy chess players ng sapat na venue para maihanda ang kanilang mga sarili sa mas malaking torbeo gayundin sa international meet.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

"Ahedres Pilipinas is looking at a bigger picture now, especially after the success of our initial endeavor only last Sunday,"  pahayag ni Ahedres Pilipinas founder WUM  Christy Laniel Bernales sa kanyang pagbisita sa  'Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

"The turnout for our Ahrdres Pilipinas rapid chess team tourrnanent held last May 12 at the Alphaland Southgate Mall is reallt  very encouraging. Madaming sumali at maganda ang mga games," pahayag ni Bernales sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, NPC, Community Basketball Association, at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Kasama niyang bumisita ang kapwa organizer na si Christian Anthony Flores.

"We're now hoping to hold more tournaments in the coming months with the help of our friends," sambit ni Bernales,  miyembro ng PH Team sa World Chess Olympiad noong 2008 sa Dresden, 2014 Tromso at 2016 Baku.

Ayon kay  Bernales, nananatiling popular ang chess sa masang Pinoy at marami ang nagnanais na masundan ang yaka ni Asia's first GM Eugene Torre at GM Wesley So.

Iginiit ni Bernales, graduating student ng University of the Philippines na may kursong Library and Information Studies,  na higit na mabibigyan ng expousre ang mga batang chess players sa tulong ng pribadong sektor.

Samantala, sinabi nina Bernales at Flores na ang mga resulta ng first rapid chess team tournament ay tinampukan ng Orbe Team-A nina Narquingden Reyes, Jaime Criste at  lawyer Cliburn Anthony Orbe.

Ginapi ng Orbe Team-A ang eam Larry-A, 2-5.1.5, sa final round ng seven-round tournament na may nakalaang P30,000 top prize.