Sinabi ni Pasig City Mayor-elect Vico Sotto na mas gugustuhin pa niyang matulog kaysa tutukan ang kanyang love life, lalo na ngayong napakalaki ng responsibilidad na kinakaharap niya.

Pasig City Mayor-elect Vico Sotto at inang si Coney Reyes. (MB)

Pasig City Mayor-elect Vico Sotto at inang si Coney Reyes. (MB)

“Wala talagang time,” sabi ng tinaguriang “millenial mayor” nang tanungin kung may nobya na siya, sa isang panayam sa telebisyon.

“Talagang ‘pag may free time ako, mas gusto ko pang matulog or magpahinga na lang,” dagdag pa niya.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Sinabi ng 29-anyos na alkalde na hindi niya prioridad ang love life niya sa ngayon.

“Tingnan na lang natin. Diyos na ang bahala kung paano mangyayari. Siyempre, eventually, gusto mo rin naman, ‘di ba? But for now, focus-focus muna,” ani Sotto.

Sinabi rin ni Sotto na wala siyang planong magtagal sa kapangyarihan dahil “power tends to corrupt and absolute power corrupts absolutely”.

“Ako, sa tingin ko, ang magaling na leader, hindi nagtatagal sa kapangyarihan,” aniya pa.

Ayon kay Sotto, ang una niyang gagawin ay tatanggalin ang traffic coding scheme na ipinatutupad sa ilang kalsada sa Pasig.

“Proud po akong sabihin at lagi ko pong sinasabi na ako lang po ang konsehal na tumutol dun sa odd-even na coding scheme sa Pasig, at tatanggalin ko po kaagad ‘yan,” sinabi ni Sotto sa hiwalay na panayam sa radyo.

Ang nasabing odd-even traffic scheme ay ipinatutupad sa Elisco Road, R. Jabson Street, San Guillermo Street, Sandoval Avenue, at F. Legaspi Bridge, simula Setyembre 2016.

“Yung pagkasulat po sa ordinansa ay puwede po natin siyang i-suspend. So in effect, matatanggal po siya,” ani Sotto.

“If you look at the big picture, ‘di siya nakakatulong sa traffic at nagagalit ang mga kalapit naming LGU.”

Mary Ann Santiago at Jhon Aldrin Casinas