Kasunod ng dalawang linggong rollback, muling magpapatupad ng taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.

Sa taya ng industry players, magtataas ng P0.95 hanggang P1.00 ang kada litro ng gasolina; habang madadagdagan naman ng 57-80 sentimoes ang kada litro ng diesel at kerosene.

Ang pagtaya ay batay sa resulta ng apat na araw na trading sa pandaigdigang merkado, pero ang pinal na taas-presyo ay nakadepende sa trading kahapon.

Inaasahang ipatutupad ang oil price hike sa Martes, Mayo 21.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bago pa ang panibagong price hike, tinukoy ng Department of Energy (DoE) ang presyuhan ng gasolina sa P45.25 hanggang P62.26, P40.70-P48.25 sa diesel, at P45.29-P58.95 sa kerosene.

Myrna M. Velasco