TAMPOK ang pinakamatitikas at pinakamatatapang na skaters sa South na magtatangkang makakuha ng slots para sa National Team sa ilalargang Mindanao leg ng 2019 Go For Gold Skateboarding National Championships ngayon sa Saranggani province.

KAPANA-PANABIK ang aksiyon sa skateboarding.

KAPANA-PANABIK ang aksiyon sa skateboarding.

Kabuuang 60 aspirants ang tumugon sa tawag ng hamon para sa downhill challenge sa Barangay Bagacay sa Alabel, Saranggani at sa Game of Skate sa Robinsons Mall sa General Santos City.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I believe skateboarding is a great sport to encourage our youth. It’s not so expensive and can be done almost anywhere,’’ pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

Pinangunahan nina skaters Abigail Viloria at Arianne Mae Trinidad ang women’s division sa ginanap na Luzon leg nitong Abril, habang sina Charles Louise Paje at Tomas Romualdez  ang nanguna sa men’s side.

“We are looking for the best skaters in the regionals,’’ pahayag ni Monty Mendigoria, pangulo ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc.

“The top three participants from the regionals will get the chance to prove their worth in the national SEA Games qualifying championship,’’ aniya.

Itinataguyod ng Go for Gold Philippines ang programa ng skateboarding.

Ayon kay Mendigoria, inilipat nila ang Visayas qualifier sa Hunyo 1-2 sa Iloilo skatepark mula sa orihinal na venue sa Cebu City.

Aniya, bawat isa ay nangangarap na mapabilang sa National Team ay matularan ang tagumpay ni Cebuana Margielyn Didal, nagwagi ng gintong medalya sa Asian Games at ngayo’y naghahangad ng slots para sa 2020 Tokyo Olympics.

“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the 2020 Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,’’ ayon kay Go, vice president for marketing of Powerball Marketing and Logistics Corp., ang prime mover ng Go For Gold program.

Ang mangungunang skaters sa tatlong regional legs ay uusad sa National finals na itinakda sa Aug. 24-25 sa Sta. Rosa, Laguna kung saan nakataya ang slots sa sa PH team na isasabak sa SEA Games sa Nov. 30-Dec. 11.

Sa kasalukuyan, suportado rin ng Go For Gold ang pagsasanay ni Didal para sa paglahok sa serye ng Olympic qualifying tournaments para sa Tokyo Games.