TRENDING topic sa mga katoto ang mga female celebrities na panay ngayon ang post ng mga litratong naka-two-piece, o kaya ay nakasuot ng sexy outfit sa kani-kanilang social media accounts.

Angel Locsin copy

“Si (sikat na aktres) halatang nagpapapansin sa Star Cinema para kunin sa Darna role. Ang daming pino-post na naka- two piece siya,” sabi ng kilalang entertainment editor sa isang showbiz event na dinaluhan namin.

“Naku, mas matindi si (aktres). Nag-post ng naka-Darna costume para makitang bagay din siya,” dagdag ng kolumnista ng nasabing editor.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Kaya kami naman ay mega research kung sino ang mga aktres na sinasabing nag-post ng mga litratong naka-Darna costume sila.

Halos lahat naman ng artistang babae ngayon ay gustong maging Darna, kahit pa ‘yung mga nagsasabi na ayaw nila dahil alam naman daw nilang hindi sila mapipili.

“Eh walang kakapitan ang bra,” tumawang sabi ng isang malokong kolumnista.

Hirit naman ng isa pang manunulat, “Eh, bakit si Nanette Medved, wala rin namang boobs pero naging Darna siya?”

Oo nga, sa may malalaking boobs lang ba pupuwede ang karakter na Darna? Dalawa lang ang alam naming may malusog na dibdib na gumanap sa iconic Pinay super heroine character, sina Anjanette Abayari noong 1994, at Angel Locsin taong 2005, at ang iba ay hindi naman talaga masasabing malaki ang hinaharap.

“May bagay sana sa taga- GMA, kaso hindi naman papayag ang ABS (CBN) na tagaroon ang kukunin,” komento ng isa pang katoto.

Sang-ayon naman kami dun, dahil kamakailan ay nag-post ng video si Jennylyn Mercado na naka-Darna costume siya. Ipinakita rin niya ang husay niya sa martial arts. Pero malabo, dahil bukod na edad 30 na si Jennylyn, hindi siya Kapamilya talent.

May litrato din si Janine Gutierrez na ipinakita sa amin, at perfect siyang maging Darna, dahil sexy at matangkad siya, pero malabong mapili siya dahil nga tulad ni Jennylyn ay Kapuso star siya.

“Actually si Nadine (Lustre) ang babagay na Darna. Kaya lang hindi rin home-grown talent si Nadine ng ABS (CBN), kaya malabo,” say ng isa pang katoto.

Pero sa kabila ng maraming usapan ay nanaig pa rin ang pangalan ni Angel Locsin na babagay sa karakter na Darna.

“Uy pati si Liza (Soberano), bagay din. Kung sino ‘yung mga binagayan, sila pa ‘yung nag-quit,” sabi pa sa namin.

-REGGEE BONOAN