BAKIT kaya natawa si Barbie Imperial sa tanong ng media kung nagkaroon sila ng overlap ni Ria Atayde sa buhay ni JM de Guzman?
Bakit hindi niya sinagot nang diretso ang tanong?
Para sa kaalaman ng lahat, walang overlap na nangyari at hindi magkarelasyon sina JM at Ria ngayon. Nanatili silang magkaibigan, at matagal naman na silang magkaibigan.
Kaya bakit parang may insinuation si Barbie?
Nu’ng kainitan ng lambingan nina JM at Barbie, na ipino-post nila sa kani-kanilang social media accounts, kitang-kita naman na masaya sila at walang Ria Atayde sa paligid.
Alam namin ito dahil nakakausap namin ang mga taong nakapaligid kay JM, dahil kinukumusta namin kung ano ang real score nila ni Barbie.
“Hindi naman sila, Teh, magkaibigan lang talaga sila, close lang. At saka si JM hindi pa puwedeng mag-dyowa ‘yan, hindi pa in-advice ng doctor niya,” ang sabi sa amin.
Nang natapos ang seryeng Araw Gabi na pinagtambalan nina JM at Barbie, wala na kaming balitang narinig mula sa dalawa, hanggang sa nagkakasama naman sina JM at Ria. Close kasi ang aktor sa ina ng dalaga na si Sylvia Sanchez dahil magkasama ang dalawa sa seryeng Project Kapalaran mula sa RSB unit.
Ayaw naming isiping pa-victim ang drama ni Barbie, at nadadawit si Ria, dahil lang hindi natuloy sa seryosong relasyon ang namagitan sa kanila ni JM.
A n y w a y , s a m e d i a c o n ng pelikulang Finding You ay umamin si Barbie na sobra siyang nagpapasalamat kay Direk Easy Ferrer, dahil sa unang pagkakataon ay may linya siyang sasabihin sa pelikula at matagal-tagal din ang exposure niya.
“Sa mga naunang pelikula ko po kasi wala akong lines, kasi napapadaan ako sa gilid, mga ganu’n lang. Kaya tuwang-tuwa ako nang malaman kong may dialogue ako dito sa pelikula, sobrang salamat po,” sabi ni Barbie.
Awa ang naramdaman namin nang mga sandaling iyon para kay Barbie habang nagkukuwento siya sa harap ng entertainment press and bloggers. Pero dahil marunong naman siyang umarte, naniniwala kami na sa mga susunod na pelikula ng aktres ay kasama na ang karakter niya sa buong kuwento.
Anyway, mapapanood na ang Finding You, nina Jerome Ponce, Barbie, at Jane Oneiza sa Mayo 29, mula sa Regal Entertainment, Inc.
-Reggee Bonoan