Patay ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng robbery-hold-up group na kumikilos sa Southern Luzon matapos mapaengkuwentro sa mga pulis sa Malvar, Batangas, madaling araw ngayong Sabado.

Ayon sa report sa Camp Crame, mula kay Police Regional Office (PRO)-4A Director Brig. Gen. Edward Carranza, tatlo ang kumpirmadong patay habang nakatakas ang isang suspek, na pinaghahanap na ng pulisya.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang mga suspek sa panghoholdap sa isang gasolinahan sa Lipa City sa lalawigan.

Sinabi ni Carranza na nakatanggap ng report ang Malvar Municipal Police tungkol sa nangyaring holdapan sa Lipa City kaya inalerto ang mga pulis, at ikinasa ang isang checkpoint sa Malvar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa pulisya, pinahinto ang sasakyan ng apat na suspek subalit hindi umano tumigil ang mga ito, at sa halip ay pinaputukan umano ng baril ang mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang tatlong suspek, habang nakatakas ang isang kasamahan ng mga ito.

Sinasabing ang mga suspek ang nasa likod ng mga holdapan sa ilang lugar sa Batangas at Laguna.

Fer Taboy