Walong katao ang nasawi sa banggaan ng isang pampasaherong van at isang six-wheeler truck sa Sitio Tab-ang, District 3 sa Babatngon, Leyte, bandang 6:15 ng umaga ngayong Biyernes.

Kuha ni Ionnes Omang sa aktuwal na rescue sa mga naaksidente sa Babatngon, Leyte, kaninang umaga.

Kuha ni Ionnes Omang sa aktuwal na rescue sa mga naaksidente sa Babatngon, Leyte, kaninang umaga.

Sinabi ni Lt. Melvin Ay-ay, officer-in-charge ng Babatngon Police, na ang van na minamaneho ni Rodel Ecat ay may lulang 18 katao at patungong Tacloban City.

Ang six-wheeler truck (LEF-758) ay minamaneho ni Wenwen De Leon, nasa hustong gulang, may asawa, at taga-North Cotabato, na nasa kabilang lane.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Lt. Ay-ay na batay sa paunang imbestigasyon, nagkaproblema sa kurbada ang truck kaya nakasalpukan nito ang kasalubong na van.

Dead on the spot ang mga pasahero ng van na sina Mimi Ochea, Emie Lorde, Marilyn Taringan, Alden Camuin, Remelyn Camuin, Jackon Casarigo, Elyong Piscos, at Leila Caturan.

Labintatlo naman ang nasaktan, kabilang ang driver ng van na si Ecat, ang driver ng truck na si De Leon at hindi nakilalang helper nito.

Kaagad na naisugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban ang mga sugatan.

Marie Tonette Marticio