Pagpapatalsik kay Tanchangco-Caballero sa POC, inokray ni Vargas

WALA na ang ulo, ngunit nananatili pa rin ang kamandag ng ulupong sa Philippine Olympic Committee (POC).

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

NAGBIGAY ng kanyang mensahe si Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou, habang matamang nakikinig sina (mula sa kanan) Diz Gervacio ng Bangko Perlas, Myla Pablo ng Motolite, POC deputy sec-gen Karen Tanchagco-Caballero at chess organizer at dating World Chess Olympiad member Woman National Master Christy Lamiel Bernales kahapon sa TOPS ‘Usapang Sports’.

NAGBIGAY ng kanyang mensahe si Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou, habang matamang nakikinig sina (mula sa kanan) Diz Gervacio ng Bangko Perlas, Myla Pablo ng Motolite, POC deputy sec-gen Karen Tanchagco-Caballero at chess organizer at dating World Chess Olympiad member Woman National Master Christy Lamiel Bernales kahapon sa TOPS ‘Usapang Sports’.

Ito ang matalinhagang pahayag ni Karen Tanchangco-Caballero hingil sa ginawang petisyon ng kasalukuyang Board ng POC na kinabibilangan nina Prospero Pichay ng chess, Jonnie Go ng Canoe-Kayak, Julian Camacho ng wushu at Joey Romasanta ng karate kung  saan inaalis siya bilang deputy secretary general ng  Olympic body.

“First, I was appointed to the position by POC Chief Ricky Vargas. Kaya kung may magpapaalis sa akin sa puwesto, hindi ang POC Board but si Mr. Vargas mismo. Anyway, ginawa na nila ‘yan and I I already seek the help of my legal counsel,” pahayag ni Tanchangco-Caballero, pangulo rin ng Sepak Takraw Federation of the Philippines, sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Right now, ang order sa akin ni Mr. Vargas ay tuloy lang sa trabaho. Actually sa dami ng trabaho, sa aking sports asscoation ng sepak at sa preparation ng Southeast Asian Games hosting, nakapagtataka na lumulutang pa ang mga ganitong isyu. Dapat focus na tayo sa trabaho and with Mr. Vargas full trust and confidence sa akin, tuloy lang tayo sa trabaho,” pahayag ni Tanchangco-Caballero, kinatawan din ng POC sa Phiscoc na nagsasagawa ng paghahansa sa SEAG hosting sa Nobyembre sa Subic at Clark at satellite venues sa Tagaytay City at Manila.

Ikinalulungkot ni Tanchangco-Caballero ang ikinilos ng POC Board na kilalang malapit sa dating POC president na si Jose ‘Peping’ Cojuangco.

“Hindi ko ma-connect. But one thing is clear here that my late father  (Gen. Mario Tanchangco) is not part of their group, simple as that I guess? aniya.

Umaasa ang sepak chief na mawala na ang ganitong paksyun sa POC at magkaisa ang lahat para makamit ang hangarin na mapataas ang level ng competitiveness ng mga atleta at makamit ang overall championship sa SEA Games.

“So far, so good with regards on the country’s preparation for the SEA Games. Sa venue po although hindi po ako kasama sa committee, pero over 90 percent na ang natatapos. We’re on the right target,” aniya, sa lingguhang sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde

Sa sepak takraw, kumpiyansa si Tanchangco-Caballero na malalagpasan ng koponan ang silvre medal finish sa nakalipas na SEAG edition bunsod na rin ng mahabang paghahanda ng sepak takraw team para sa biennial meet.

“Kagagaling lang ng ating mga atleta sa training at camp sa Korea and we’re preparing for more tournament abroad including the World Cup,” aniya.

-EDWIN ROLLON