Desidido si Manila City Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na tuparin ang kanyang pangako na lilinisin ang Maynila, at isa sa mga balak niyang gawin upang maisakatuparan ito ay ang bilhin ang mga basura sa lungsod.

(kuha ni Albert Garcia)

(kuha ni Albert Garcia)

Dahil aminado si Moreno na dati siyang basurero bago naging artista, plano niyang palitan ng coupon ang mga basurang makokolekta ng mga residente, at papalitan ang mga ito ng bigas at de-lata.

"Bilang dating basurero... 'yung basura mo, bibilhin ko po 'yun. Kasi nakita ko na if you would stimulate or put these incentives, baka mahikayat, mabuhayan ang tao,” pahayag ni Moreno, sa isang panayam sa telebisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Plano rin, aniya, niyang ibalik ang mga metro aide o street sweepers ng lungsod upang may regular na magwawalis sa mga kalsada, mula umaga hanggang hapon.

"Umaga pa lang makikita niyo may nagwawalis na. Tanghali may nagwawalis. Hapon may nagwawalis. So continuous, honest to goodness na paglilinis," aniya pa.

Matatandaang matapos na maiproklama bilang bagong halal na alkalde ng lungsod, ipinangako ni Moreno na “paliliguan” niya ang lungsod, upang maalis ang pagiging “dugyot” nito.

Ipatitigil din niya ang towing operations sa lungsod upang mabawasan ang pangingikil ng ilang opisyal ng pamahalaan ngunit hindi tinukoy kung anong sistema ang ipapalit nito.

-Mary Ann Santiago