MAGKAKAROON ng last public appearance si Matteo Guidicelli sa May 24, launching ng single niyang Sundo under Viva Records, sa The Music Hall ng Metrowalk. Dahil sa May 27 ay magsisimula na ang 45-day military training niya sa Camp Tecson na nasa San Miguel, Bulacan.

Matteo copy

Magsasanay si Matteo bilang reservist ng Philippine Army at ang training ay tatawaging “Scout Rangers Orientation Course.” “I’ve been preparing emotionally for the training. Physically, sanay ako, pero emotionally, takot ako. Hindi ko alam what to expect, especially, ang makakasama ko ay cadets from PMA. I’m ready to be bullied,” sabi ni Matteo. Part pa ng preparation ni Matteo ay ang pag-eempake ng kanyang dadalhin at ang ihanda ang sarili na wala siyang communication with his loved ones. “Bawal ang cellphone, kaya ‘di ko alam ang mangyayari. Also, kakalbuhin ako at iitim sa training, but I’m prepared naman, kinakabahan lang,” patuloy ni Matteo.

Why go into military? Binalak ba niyang magsundalo talaga? “Hindi ko plinano ito. Ang naalala ko, when I was in college and walking to my dorm, may nadadaanan akong military store. I never enter and it took me few months bago ako pumasok.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

“Here naman, naging close ako sa mga Scout Rangers after ng war sa Marawi. Inisip ko, how can I show my respect and support to my country? Ang maging sundalo ang naisip ko.

“This is also my advocacy, teaching the Filipino youth to be proud of being a Filipino. I’m not doing this to earn, this is my advocacy and giving back for my country,” pahayag ni Matteo. Dual citizenship si Matteo na isang Fil-Italian dahil Italian ang ama.

“But I will always be a proud Pinoy. Since I was a child, I’ve always been proud to be Pinoy and proud to be Cebuano,” ayon pa kay Matteo. Sa tanong na kung ano ang reaksyon ng parents niya at ng girlfriend na si Sarah Geronimo sa pagpasok niya sa military, “ takot sila”, ang sagot ni Matteo.

Ipinaliwanag naman niya na hindi paghahanda sa giyera ang pagpasok niya sa militar, kundi ang makatulong in time of emergency o kaya’y sa pamamahagi ng relief goods at ilan pang activities na kakailanganin ang tulong ng mga kagaya niyang reservist.

“Matagal akong mawawala, kaya maglo-launch muna kami ng Viva Records ng single kong Sundo, originally by Imago. Why do a cover? Because I love OPM at dahil wala na kaming time to write an original composition.

“Paglabas ko sa training sa July, gagawa ako ng all-original album, I’ll release more singles and I’ll do a movie with Viva Films. Bawal pa lang sabihin kung anong pelikula ang gagawin ko, hintayin na lang natin,” patuloy ni Matteo.

Natanong din si Matteo kung may plano na silang magpakasal ni GF dahil 29 years old na siya at si Sarah ay 30 years old na.

“We’ll see at dapat papunta na sa marriage ang relationship namin especially, magsi-six years na kami. Wala pang concrete plan,” sagot ni Matteo.

Kikiligin ang shippers nina Matteo at Sarah sa Sundo dahil si Sarah ang back up singer ni Matteo.

-Nitz Miralles