Panalo pa rin ang napaslang na reelectionist na si Councilor Jose Antonio Garcia sa Moises Padilla, Negros Occidental, sa katatapos na midterm elections.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nanguna pa si Garcia sa mga kandidato sa nahakot na 10, 981 na boto.
Inungusan nito ng lagpas 1,000 boto ang ibang kandidato.
Maninilbihan sana si Garcia sa ikatlo nitong termino sa konseho ngunit napatay ito sa isang pananambang, kasama ang tiyuhin na si Jose Marcelino Garcia, matapos silang mangggaling sa isang campaign sortie sa Barangay Inolingan, noong Abril 25.
Naging kapalit ni Garcia sa kanyang kandidatura ang kapatid nito na si Vincent Garciua, 25, na nangakong ipagpapatuloy ang pangako ng kapatid na paninilbihan sa publiko.
Ang dalawang napaslang ay pamangkin at kapatid ni Vice Mayor at ngayo’y mayor-elect Ella Celestina Garcia-Yulo, ayon sa pagkakasunod.
-Glazyl Masculino